Minsan sa Tag-araw: Mga Kwento ng Buhay
Isa sa pinakamasayang rekoleksyon ng aking kabataan ay ang taunang ekskarsyong isinasagawa ng aking mga kababayan sa Valenzuela , Bulacan tuwing tag-araw.
Ilang linggo pa bago magsara ang klase sa aming mababang paaralan, isang lupon ng mga kababaryo ang nangangasiwa sa pagbebenta ng tiket para sa nasabing ekskarsyon. Ang perang makakalap ang siyang ginagamit na pang-intresipo at pambayad sa bus na aarkilahin para sa mga sasamang ekskarsyonista.
Bata't matanda, may sinasabi man o wala, ay sabik na hinihintay ang taunang okasyong ito. Sa dami ng mga gustong magsisama, madalas ay umaabot sa mahigit na sampung malalaking upahang bus ( Halili Transit o La Mallorca Pambusco) ang aming naaarkila. Para sa marami, ito ay isang malaking pagkakataon upang makarating sa iba't ibang lugar, mapuntahan at makita ang dating natutunghayan lamang sa kalendaryo at magasin, at sabi nga ng iba, upang mabago naman ang hanging nasasamyo at tanawing nakikita.
Noong mga panahong iyon ay wala pang Department of Tourism at di pa man lang narerehistro ang hospitality girls, child prostitution, pedophilia at AIDS sa bokabularyo ng ating mga kababayan. Parang hindi na kailangan ang milyun-milyon at makukulay na panghihikayat upang ang mga mamamayan ay magbiyahe sa magagandang lugar ng ating sariling bayan. Sabihin pa, hindi rin natin gaanongkailangan noon ang mga dolyares ng mga banyagang turista upang ipambayad sa lagpas-ulong pagkakautang ng ating pamahalaan.
Sa mga ekskaryong ito una kong napuntahan ang La Mesa Dam, Balara, Pansol, Antipolo at Tagaytay na noong una, dala marahil ng kawalan pa muwang sa buhay at pag-iisip, ay inakala kong napakalalayong lugar. Matay kong isipin noon kung anu-ano ang itsura ng mga ito. Ang aking pananabik ay umaabot sa sukdulan hanggang sa bisperas ng araw ng ekskarsyon.
Halos hilahin ko ang oras upang dumating na ang madaling araw. Alam ko kasing alas-kuwatro pa lang ay naghihintay na ang mga inupahang bus sa tapat ng aming mababang paaralan. Alam ko ring maraming katulad ko ang mag-aagawan sa pagpili ng upuang malapit sa bintana. ( Madalas kong idahilan noon na ako'y magsusuka kung ako'y malayo sa bintana. Sa totoo'y sabik lang akong usyosohin ang lahat ng tanawing daraanan ng bus.)
Ang buong baryo ay halos hindi na rin natutulog sa pananabik at paghahanda. Hindi pa tumitilaok ang manok ay abala na ang bawat kusina ng mga bahay-bahay. Ang mga magulang ay abala sa paghahanda ng mga basket-basket na pagkaing babaunin. Karaniwan na rito ang adobong manok at baboy, kamatis at itlog na maalat, fried chicken, tortang giniling na baboyna may halong pasas at patatas, longganisa, Spam, Vienna sausage at sinaing na ibinalot sa sariwang dahon ng saging. Madalas magtalo ang aking sarili kung ang mga lugar na pupuntahan o ang mga bagong pagkain ang dahilan ng aking kakaibang pananabik.
Tulad nga ng aking inaasahan, eksaktong alas-kuwarto ay dagsa na ang mga tao sa pag-uunahan sa sampung sasakyang nakapila. Maraming pihikan ang kay tagal mamili ng bagu-bago, malinis at di amoy bilasang-isdang sasakyan. Ang iba'y palipat-lipat at di malaman ang pipiliin. Ang iba nama'y gustong magsama-sama at magkakatabi sa iisang sasakyan. Parang palengke sa ingay ang di-magkamayaw na mga ekskarsyonista.
Di magtatagal, matapos bilangin at mapagtugma ang listahan ng mga kababayang nagsisama, uusad nang parang prusisyon ang sampung bus.
Ang una sa itineraryo ng ekskarsyon ay ilang oras na pamamasyal at meryenda sa La Mesa Dam, susunod ay tanghalian at languyan sa Balara. Bonus daw bago tuluyang umuwi ay ang pagdaan sa Luneta (Rizal Park ngayon). Ang lakas ng sigawan lalo na ang mga bata. Noong panahong iyon, ang makapamasyal sa Luneta ay para bang napakalaking bagay na.
Parang ang tagal ng biyahe patungong La Mesa Dam! Mahaba't makipot ang mga lansangang aming dinaanan na napapagitnaan ng malalaking bukirin at mga bakanteng lote. kakaunti pa noon ang mga bahay na halos pawang magkakalayo sa isa't isa. Pakiramdam ko noo'y nagdaraan kami sa gitna ng isang napakalawak na kagubatan sa dahilang ang magkabilang tanawin ay sagana sa tanim ng iba't ibang punung-kahoy. Kay laking ginhawa ng hanging inihahagiwas ng mga punung-kahoy.
Ilang sandali pa at dumating na kami sa La Mesa Dam. Ito'y malinis at kitang-kita ang pangangalagang ibinuhos ng mga nangangasiwa. may mga mesang maaaring pagpatungan o pagtambakan ng mga dala-dalahan ng mga ekskarsyonista.
Ang water reservoir ang pangunahing atraksyon ng La Mesa Dam na ang tingin ko noo'y isang napakalaking dagat. Hangang-hanga ako sa tubig na naipon sa pagitan ng kanyang mga bundok. Tandang-tanda ko pa ang sabi sa amin ng taga-bantay: "Sa tubig na ito nanggagaling ang iniinom at ipinapaligo ng buong Kamaynilaan."
Namaos na sa kasisigaw ang mga konduktor sa pagtawag sa amin ay di kami napuknat sa aming pagliliwaliw at pagmamasid sa mayamang tanawing kay bago sa aming paningin. Ni hindi namin pinansin aang meryendang nakahanda sa mga mesang inokupahan ng aming mga kababaryo.
Mula sa La Mesa Dam ay tinahak ng mga bus ang daan papuntang Balara habang tahimik naming minumuni-muni ang kararaang karanasan. Ang iba'y naidlip sa pagod aat ang ilan ay iniisip marahil kung ano naman ang pangakong idudulot ng Balara.
Malayo pa'y tanaw na namin ang halos daan-daang sasakyang nakaparada sa kahabaan ng lansangang papunta sa Balara. kay daming ekskarsyonista mula sa iba't ibang parte ng Luzon. Nakapaskel sa tagiliran ng bawat bus kung saan-saang bayan sila nanggaling.
Ang swimming pool, pavilion aat water filters ng Balara ang matagal na natanim sa aking isipan. Makulay ang impresyong nag-udyok sa akin upang sana ay muling makabalik dito balang araw. parang fairy land ang tingin ko rito na punung-puno ng mga taong nagkakasiyahan at nagsisipaligo. Halos nasunog ang aming mga balat sa maghapong pagbababad sa swimming pool. Dito na kami nagpalipas ng tanghalian at meryenda.
Nang mga bandang alas-kuwatro ay tumulak na kami papuntang Luneta upang habulin ang paglubog ng araw sa Manila Bay. Ang huling yugto na ito ng aming ekskarsyon ay nagdulot ng magkahalong pagod, lungkot at panlalata. malapit nang matapos ang aming maghapong pagsasaya, at kahit ang anyaya ng Luneta ay di kayang pigilin ang kalungkutang naghahari sa amin.
Mula sa unang karanasang ito, taun-taon ay patuloy ang ekskarsyong nagdala pa sa amin sa Antipolo, Pansol at Tagaytay. Nang matapos na ako sa mababang paaralan ay hindi ko na nasundan kung ito ay ipinaagpatuloy pa ng aking mga kababayan. Ilang taon pa ang nakalipas hanggang sa ito ay tuluyan nang nakalimutan at di na napag-uukulan ng panahon.
Nakalbo na ang maraming puno sa La Mesa Dam at ang mabilis na pagbaba ng tubig sa reservoir nito ay patuloy na nagdudulot sa atin ng pangamba tuwing tag-araw. Isang malaking bahagi ng lupang malapit dito ay ginawa na ring tambakan ng basura.
Nasa pamatasan na ako nang malaman kong ang Balara ay nasa likod lang pala ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, pero, ni minsan, ito ay di ko na muling nabalikan.
Ang Luneta ay halos daan-daanan ko na lamang sa loob ng walong taon sa dati kong pinapasukan sa Ermita. Nawala na ang dati nyang anyaya.
Naiba na rin ang mga lugar na pinupuntahan ng mga turista tuwing tag-araw sa loob ng nagdaang mga taon... Puerto Galera, Boracay, El Nido...mga lugar na para bang kaya lamang dayuhin ng mga banyagang turista at ng mga karay-karay nilang alipores.
Ang marami sa ating mga kababayan ay nagtitiis na lang maligo sa maduming tubig ng Manila Bay o naglalaro sa Quezon City Elliptical Circle. Mas nakararami ang nagpapalipas ng init ng araw sa mga air-conditioned shopping mall.
Samantala, ang ekskarsyonistang mga kababayan sa ngayon ay iyong pagdayo at panonood nila ng mga programang pangtelebisyon tulad ng Eat Bulaga, o di kaya'y live show ni Ate Vi sa Metropolitan Theater.
Text sourced from Minsan sa Tag-araw: Mga Kwento ng Buhay by Bobi Valenzuela, published by Kalikasan Press 1991

On Curatorship
Ang paksang pinili kong talakayin sa umagang ito ay ang di-nabibigyang pansing papel ng isang curator sa pagtatanghal o exhibition ng isang artist sa isang gallery.
Marahil, kayo man ay nakakapunang kung bakit may mga exhibit na parang hindi pinag-iisipan, pinagplanuhan o pinaghandaan. Kapag ako’y nakakakita ng mga ganitong uri ng pagtatanghal, ang una kong naaalala ay mga sasakyang umaandar ng walang nagmamaneho o dili kaya , kung mayroon man, ang mga ito ay tumatakbo nang walang direksyong patutunguhan. Ang mga paintings ay isinasabit na wala man lamang konsiderasyon kung ang pagkakahanay nito ay di pantay-pantay at masakit sa mata. May mga paintings na ipinilit maisali sa exhibition dahilan sa barkadahan o pakikisama o pakiusap. Mabuti pa marahil na hindi na lamang isinama ang mga ito lalo’t talagang hindi pa naman sila handang ipagwagwagan sa publiko.
Ang mga insidenteng ito ay karaniwang nagaganap sa dahilang marami sa ating mga artists ay kung bakit nagmamadaling makapag-exhibit. Sa aking observation, marami ang gustong makapag-exhibit kaagad sa pagbabaka-sakaling makabenta o kaya nama’y gustong apurahin ang pagsikat. Sa madaling sabi, para bang ang punto lamang ng pagtatanghal ay upang kumita o di kaya’y makagawa ng pangalan upang sumikat sa lalong maiksing panahon.
Wala akong nakikitang masama kung ang isang artist ay maghangad man nang ganito. Kaya lamang, ang dami pang dapat malaman at matutuhan ang isang nag-aambisyong maging artist bago man lamang siya magtangkang iexhibit ang kanyang mga trabaho. Ito ay isang napakalaking responsibilidad na hindi dapat ipinagwawalang bahala ninuman.
Kapag kayo ay nag-aapply sa mga gallery, maswerte na kayo kung may mga curator na maaaring makapagbigay sa inyo ng wastong payo kung ang mga trabahong inyong natapos ay nararapat nang ipakita o hindi sa publiko. Kadalasan, ang mga tanong na inyong maririnig sa may-ari o tagapamahala ng mga galleries ay kung kayo ay bumebenta na o kung may mga kolektor na bumibili na ng inyong mga trabaho.
Maliban dito, base na rin marahil sa inyong mga naging karanasan, mayroon na ba kayong naengkwentrong nakapagbigay sa inyo ng tamang linaw tungkol sa inyong pagiging mga alagad ng sining, tungkol sa inyong mga trabaho o kahit man lang ang inyong mga responsibilidad bilang mga artista.
Dito pumapasok ang mahalagang papel ng isang curator sa inyong buhay bilang artists. Wala akong nalalamang equivalent nito sa Pilipino kaya’t para sa madaling ikakaunawa sa katagang ito, hayaan ninyong ikwento ko sa inyo ang ilang karanasan ko bilang curator ng Hiraya Gallery mula 1980 hanggang 1988.
When Hiraya Gallery opened 12 years ago, my idea of a curator was limited only to 4 things:
Some got into the profession on the basis of their being practicing artists and/ or they own the gallery. One example is the noted painter/ sculptor Arturo Luz, the owner of the gallery that bears his name, who in my opinion, pioneered in setting up a standard of excellence in curatorship. By this, I mean, the selection of artists he exhibited particularly in the 60’s & 70’s was impressive and the manner he mounted his shows was almost impeccable.
Some assumed the role of curator on the merit of their being associated and, at best, being married to artists.
Because of this lack of professional training, many naively breeze through this role to act only as glamorized sales clerks who dabble in art dealing with not even a thought or consideration of such basic background such as art history, art criticism and even just art appreciation. Knowledge of this 3, at least will make them function intelligently if not credibly.
When you visit galleries then, and even now, you might overhear some curators convince their clients to buy certain works of art for investment, as deduction for tax purposes or as hedge against inflation. At worst, you may even hear them telling their clients “ na bagay ho iyan sa inyong sofa at kurtina, matching na matching po.”
During my last few months at Hiraya Gallery ( which was in the late 80’s) I consider myself fortunate for having been given by a friend a copy of Decalogue of the Artist by Gabriela Mistral, a well-known writer from Chile. Mistral is one of the three Latin American writers honoured with the Nobel Prize for literature ( Pablo Neruda another Chilean and Miguel Angel Asturias, a Guatemalan).
Although Mistral wrote this Decalogue particularly for the artists, I was able to use them as a norm of conduct with which to run the gallery. Of the ten she listed, I singled out four, which up to now remain as our guide in conducting the affairs of the gallery particularly the selection of artists we would like to exhibit. They are:
The role of the curator is limitless and endless. Aside from the basic functions, I should emphasize that vision or direction or lack of it can cause the success or failure of a gallery.
From the very start, we set the following as our main objectives:
The exposure and promotion of the works of young, serious and talented Filipino artists that would eventually pave way for a truly meaningful and relevant direction in Filipino visual art.
A gallery, I believe, should be concerned about the development of art. In order to do so, we strive to shy away from gross commercialism or from types of works that cater only to the demand or caprices of the clients.
Hiraya supports an artist not because he is commercially saleable but because we believe and support what the artist is struggling to achieve. To encourage him, we allow him to develop his own style and sensitivity and we will not impose anything that will stifle his creativity.
During my term as curator, I did away with the usual fanfare and superficiality often associated with art openings and exhibitions. Tinanggal ko ang ribbon cuttings at ang paggamit ng mga kilalang tao upang maging guests of honor o panauhing pandangal. Para sa akin, ang lahat ng taong nag abalang sadyain ang isang exhibition, buyer man o hindi, istudyante man o professional ay dapat bigyan ng tamang pagpapahalaga. Isa pa’y naniniwala akong ang totoong merit ng mga trabaho ay sapat nang dahilan upang tingnan o sadyain ito ng mga tao.
More than anything else, the gallery aspires to work with artists whose technical competence in their craft is equaled only by their dedication, sensitivity, honesty, seriousness and devotion in their art.
Twelve years later and after having worked with over 200 artists of various idiosyncracies and persuasion in more than hundred fifty exhibitions, I am still learning and discovering new things to improve whatever role I chose to play in the Philippine art scene.
Ang mga artist ay may ganito ring tungkulin: Paunlarin ang kanilang mga kaalamang teknikal tungkol sa sining, paagyamanin at palalimin ang mga nilalaman nito at tugunan ang anumang hinihingi ng sining sa sinumang nagtatangkang maging alagad nito.
Bilang pangwakas, may mga nagsasabing napakahirap abutin ang mga pamantayang itinakda ng Hiraya Gallery sa paghahanap ng mga artist na gusto nitong iexhibit.
Iisa lamang ang sagot ko sa punang ito: Hindi ang Hiraya ang may ganitong pamantayan. Ipinatutupad lamang namin kung ano ang hinihingi ng Sining sa mga nagbabalak pumaloob dito. Maraming Salamat.

- The selection & scheduling of artists to exhibit in the gallery
- The mounting or installation of the artists’ works
- Taking care of artworks entrusted to the gallery and
- Ensuring that the paintings and other artworks would sell
Some got into the profession on the basis of their being practicing artists and/ or they own the gallery. One example is the noted painter/ sculptor Arturo Luz, the owner of the gallery that bears his name, who in my opinion, pioneered in setting up a standard of excellence in curatorship. By this, I mean, the selection of artists he exhibited particularly in the 60’s & 70’s was impressive and the manner he mounted his shows was almost impeccable.
Some assumed the role of curator on the merit of their being associated and, at best, being married to artists.
Because of this lack of professional training, many naively breeze through this role to act only as glamorized sales clerks who dabble in art dealing with not even a thought or consideration of such basic background such as art history, art criticism and even just art appreciation. Knowledge of this 3, at least will make them function intelligently if not credibly.
When you visit galleries then, and even now, you might overhear some curators convince their clients to buy certain works of art for investment, as deduction for tax purposes or as hedge against inflation. At worst, you may even hear them telling their clients “ na bagay ho iyan sa inyong sofa at kurtina, matching na matching po.”
During my last few months at Hiraya Gallery ( which was in the late 80’s) I consider myself fortunate for having been given by a friend a copy of Decalogue of the Artist by Gabriela Mistral, a well-known writer from Chile. Mistral is one of the three Latin American writers honoured with the Nobel Prize for literature ( Pablo Neruda another Chilean and Miguel Angel Asturias, a Guatemalan).
Although Mistral wrote this Decalogue particularly for the artists, I was able to use them as a norm of conduct with which to run the gallery. Of the ten she listed, I singled out four, which up to now remain as our guide in conducting the affairs of the gallery particularly the selection of artists we would like to exhibit. They are:
- You shall create beauty not to excite the senses but to give sustenance to the soul
- You shall not seek beauty at carnival or fair or offer your work there, for beauty is virginal and is not to be found in carnival or fair
- Beauty shall not be an opiate that puts you to sleep but a strong wine that fires you to action, for if you fail to be a true man, you will fail to be an artist
- Each act of creation shall leave you humble for it is never as great as your dream and always inferior to that marvelous dream of God which is Nature
The role of the curator is limitless and endless. Aside from the basic functions, I should emphasize that vision or direction or lack of it can cause the success or failure of a gallery.
From the very start, we set the following as our main objectives:
The exposure and promotion of the works of young, serious and talented Filipino artists that would eventually pave way for a truly meaningful and relevant direction in Filipino visual art.
A gallery, I believe, should be concerned about the development of art. In order to do so, we strive to shy away from gross commercialism or from types of works that cater only to the demand or caprices of the clients.
Hiraya supports an artist not because he is commercially saleable but because we believe and support what the artist is struggling to achieve. To encourage him, we allow him to develop his own style and sensitivity and we will not impose anything that will stifle his creativity.
During my term as curator, I did away with the usual fanfare and superficiality often associated with art openings and exhibitions. Tinanggal ko ang ribbon cuttings at ang paggamit ng mga kilalang tao upang maging guests of honor o panauhing pandangal. Para sa akin, ang lahat ng taong nag abalang sadyain ang isang exhibition, buyer man o hindi, istudyante man o professional ay dapat bigyan ng tamang pagpapahalaga. Isa pa’y naniniwala akong ang totoong merit ng mga trabaho ay sapat nang dahilan upang tingnan o sadyain ito ng mga tao.
More than anything else, the gallery aspires to work with artists whose technical competence in their craft is equaled only by their dedication, sensitivity, honesty, seriousness and devotion in their art.
Twelve years later and after having worked with over 200 artists of various idiosyncracies and persuasion in more than hundred fifty exhibitions, I am still learning and discovering new things to improve whatever role I chose to play in the Philippine art scene.
Ang mga artist ay may ganito ring tungkulin: Paunlarin ang kanilang mga kaalamang teknikal tungkol sa sining, paagyamanin at palalimin ang mga nilalaman nito at tugunan ang anumang hinihingi ng sining sa sinumang nagtatangkang maging alagad nito.
Bilang pangwakas, may mga nagsasabing napakahirap abutin ang mga pamantayang itinakda ng Hiraya Gallery sa paghahanap ng mga artist na gusto nitong iexhibit.
Iisa lamang ang sagot ko sa punang ito: Hindi ang Hiraya ang may ganitong pamantayan. Ipinatutupad lamang namin kung ano ang hinihingi ng Sining sa mga nagbabalak pumaloob dito. Maraming Salamat.
Ano ang curator?
1.
What is your understanding of what a curator
does?
2. A curator must have a vision of what he wants his gallery to undertake or to achieve. Otherwise, it is just like a ship sailing without any direction.
3. Aspects of curatorship:
a. Documentation
1. Decoding of data about the works
2. Photographing works
b. Exhibition
1. Education
2. Information
3. Selection of works
4. Lay-out and design
ANO ANG CURATOR?
Hindi lahat ng galleries ay may tinatawag na curator. In a loose sense, ‘yung mga nagbabantay o taga-sabit ng paintings ay napagkakamalan kagad na curator o kadalasan sila ay ‘yong mga may-ari ng gallery o dili kaya’y asawa ng isang artist na siyang may-ari ng gallery. Kung minsan, ‘yong nagaasikaso sa mga kliyente na karaniwa’y mga smarte at magagandang dalaga ay napagkakamalan ding curator. Kayo, ano ang paniwala ninyo?
In a strict sense, ang curator o curatore sa wikang Latin, ay siyang tagapangalaga o caretaker ng mga artworks na ipinagkatiwala sa kanya. Isa sa kanyang mga tungkulin ay ang pag-iingat ng mga artworks na ito. Kung ito’y nasisira, katungkulan niya ang ihanap ito ng mga eksperto sa restorasyon upang masugpo agad ang tuluyang pagkasira nito. Siya rin ang nakakaalam ng mga impormasyon tungkol dito – saan ito nanggaling o nakuha? Anong taon ito ginawa? At sino ang may-gawa? Anong material yari ang mga ito? Ano’ng dimension o sukat ng mga ito at marami pang ibang impormasyon na maaaring makapag bigay sa atin ng linaw o pag-unawa tungkol sa nasabing artwork.
Sa Pilipinas, ang mga curator ay matatagpuan sa mga museo na nangangailangan ng ganitong expertise o karunungan.
Pero sa mga commercial galleries, kapag narinig mo na may tinatawag na curator o kapag ang isang exhibition ay sinabing “curated by”, ang agad pumapasok sa ating mga isipan ay isang taong nagsagawa ng “exhibition design” o “installation” ng mga nasabing pagtatanghal o exhibition.
Hayaan ninyong bigyan ko kayo ng mas malawak na pakahulugan ng salitang curator.
Kapag nagapply kayo sa isang gallery na may matinong curator, siya ‘yong tumitingin sa inyong mga trabahong ipinapakita at siya ‘yong masasabi kung ang inyong nagawa ay may karapatan nang ipakita sa isang exhibition o pagtatanghal. Marami siyang itatanong di lamang tungkol sa inyong mga trabaho – pero let me assure you – hinding-hindi niya itatanong kung kayo ba ay nakakabenta na o kung may bumibili nab a ng inyong mga trabaho. Sisikapin niyang Makita kung kayo ba ay tunay at may sapat na kakayahan at dedikasyon sa inyong mga trabaho. Mahusay baa ng iyong pagkakagamit ng iyong medium o materyales? May bago ka bang sinasabi sa iyong gawa (sa porma at context) o baka naman inspired by orheavily influenced na parang Xerox copy ng gawa ng ibang artists? Matino ba, malalim at malaman ang iyong sinasabi tungkol sa iyong subject matter? Halimbawa, kung ang subject mo ay ang walang kamatayang bulaklak, landscape o still life, ano baga ang gusto ninyong sabihin tungkol dito na hindi pa nasabi o sinasabi ng ibang artists?
Kapag kayo ay nakasagot ng matino sa mga pagtatanong na ito, masasabi ninyong kayo ay nakapasa o hindi na_screen_out in your attempt to apply in a gallery.
Kapag ang isang artist ay hindi nakapasa sa kanyang unang pagtatangka, hindi ibig sabihin nito na kayo ay dapat nang mawalan ng pag-asa. Huwag kayong mawalan ng loob o magagalit sa mundo. Grab this as an opportunity to assess what you have done so far. Baka may weaknesses o kakulangan pa ang inyong mga trabaho kaya hindi nakapasa sa masusing paningin ng curator?
Ang isang matinong curator ay di tulad ni German Moreno ng That’s Entertainment na kahit walang katalent/talent ang bata ay pagbibigyan na dahil kawawa naman at baka matuto rin pag dating ng araw. Ang gallery ay hindi isang experimental venue kung saan ang mga wala pang karapatan ay hahayaan ng pakawalan. Dapat sana, pero hindi ito ang totoong nangyayari, na ang gallery ay dapat lang pagtatanghalan ng may mga karapatan. Kadalasan, ang mga galleries ay parang nagiging tindahan lang ng mga kung anu-anong kalakal – bentahan ng mga may pangalang artists, artists na bumebenta at ang pinakamalungkot bentahan ng mga trabahong hindi mo malaman kung saan pinagpupulot.
Ang curator ang siyang mag-gigiya o maggaguide sa siang artist, baguhan man o matagal na sa art scene, kung saan o paano ilalagay ang sarili sa masalimuot at malawak na kalakaran ng mundong gusto niyang pasukan. Dahil sa ganitong kalaking responsibilidad, inaasahang ang isang curator ay may sapat na kaalaman sa iba’t ibang larangan ng sining tulad ng contemporary art history, art criticism, art philosophy, art theories, at iba pa. Isama na rin natin dito ang kaalaman at galing sa exhibition design o installation. Hindi maaaring ang isang curator ay walang kaalaman tungkol sa mga ito dahil hindi naman lahat ng nagpupunta sa gallery ay mga matronang naghahanap ng painting na babagay sa sofa o kurtina.
Kasama ang curator sa pagbuo ng isang exhibition – mula sa pagcoconceptualize ng show, hanggang sa pagpaplano, pagdedesign ng exhibition hanggang sa pagsasabit ng huling trabaho sa dinding ng gallery. Ewan ko kung ito ang gingawa sa ibang gallery pero ito ang aming gingagwa sa Hiraya mula pa nuong 1980. Ang tawag naming dito ay active curatorial participation ng isang gallery sa pagpaplano at pagbuo ng isang artist sa kanyang binabalak na exhibition.
Sa bahagi naman ng artist, anu-ano an gaming ekspektasyon o hinahanap sa kanya?
Una, dapat alam ng artist kung ano ang kanyang pakay sa pagnanais na makapag exhibit. Gusto ba niyong mag show dahil lang sa gusto niyong gumawa ng pera o sumikat? Gusto ba niyong mag exhibit dahil marami na siyang tapos na trabaho? Gusto ba niyang magexhibit dahil handa na niyang ipakita sa mundo ang mga trabahong sa palagay niya’y hinog na at napapanahon lang upang mailabas?
Siguro, bago sagutin ng artist ang mga ito ay dapat din niyang alamin kung ano at saan babagay ang kanyang mga trabaho na maaayon sa kanyang mga dahilan kung bakit gusto niyang mag show?
Dapat na galugurin siguro ang lahat ng galleries sa kamaynilaan at alamin kung anu-anong galleries ang mga ito? Ano baa ng mga uri ng shows na ipinalalabas nila? Yon pang bang may mga pangaln at nararanggo na bilang National Artists? Yon lang bang mga saleable tulad ng magagandang landscapes, still lifes, nudes? O yon bang mga uri ng trabaho na hindi mo maispeling kung ano ang ibig sabihin at saang dingding ng bahay mo pwedeng isabit?
Matitino baa ng kanilang mga exhibition na parang may direksyon na gustong puntahan?
Naroon na rin lang kayo sa mga galleries, dapat ding malaman ninyo kung ano’ng uri ng espasyo meron sila – gaanong kataas ang kisami at gaanong kalaki at kababa ang mga dinding. Isa itong bagay na hindi napapansin o pinakikialaman ng maraming artist pero sa aking palagay isa itong bagay na dapat alamin ng mga artist na gustong magexhibit sa isang gallery.
Mahalangang malaman ito ng mga artists upang kung sa pagkakataong magusap na sila ng curator o may-ari ng gallery ay hinding-hindi niya itatanong kung ilang paintings o sculptures baa ng dapat niyang tapusin para sa kanyang show. Para sa akin, ito ay nagpapakita ng kakulangan ng artist at nagsasabing hindi pa talaga handa ang artist na ito.
Sakaling malaman na ninyo kung saang gallery kayo nais mag-show, gumawa kayo ng isang porpolyo na naglalaman ng inyong bio-data, mga larawan ng inyong mga lumang trabaho, mga sketches at drawings, larawan ng mga bagong trabahong gusto ninyong i-exhibit.

Ano ang ipinagkaiba ng craft sa art?
Sa loob ng mahigit na walong taong pamamahala ko ng Hiraya Gallery ay nagkaroon ako ng pagkakataong mamulat at masuri kung ano nga ba ang sining na maituturing na totoong sariling atin. Naging napakalaking palaisipan para sa akin kung paanong ang mga iba’t ibang elemento at impluwensiyang banyaga ay parang mga linta at dikyang kay higpit ng pagkakakapit sa ating sining at kultura.
Madalas ay itinatanong ko sa aking sarili kung paano mailalapit sa ating mga mamamayan ang sining na ating pinagkakaabalahan at ginugugulan ng panahon kung ang mga ito ay hango sa isang kulturang banyaga na wala naming tuwiran relasyon sa ating kamulatan at karanasan. Marami na ring nagtangkang bigyan ng solusyon ang problemang ito.
Totoong napakalakas ng engganyo ng New York, London at Paris upang ang nangyayari at ginagawa roon ay madaling makapasok sa kaisipan ng marami nating kababayan.
Isa na rito ay ‘yong tinatawag nating mga alagad ng sining o artist sa wikang Ingles. Bagama’t sila’y isang maliit na bahagi lamang ng ating lipunan, ang mga pagtatanghal ng kanilang ginagawa ay may indirektong kinalaman sa pagpapalaganap ng banyagang pananaw sa ating sining. Sabihin pa, ang mga tinatawag nating art patron, art lover, art reviewer and critic, mga academician tulad ng fine arts at humanities professor ay parang mga kuyog na nagtutulung-tulong upang palaganapin daw ang art consciousness sa Pilipinas. Ang mga kilu-kilumetrong pagsusuri na sinulat ng ating mga kilalang art reviewer, ang mga patron at mga matronang naka-posing na may hawak-hawak na cocktail glasses o naggugupit ng ribbon sa opening ng isang art exhibition ay walang sawa naming paulit-ulit na ibinabalandra ng ating mga cultural at society page editor sa kani-kaniyang pahayagan.
Sila ang mga pangunahing tauhan sa isang sariling-likhang mundo na nagpupumilit bigyang kahulugan (pa-meaning), kagandahan (pa-beauty, sabi nga ng batikang aktres na si Gigi Duenas), at katotohanan (trulili, sabi pa rin ni Gigi) ang ating kapaligiran.
Sabihin pa,may kanya-kanyang pamamaraan ang mga artist sa pagpapayabong ng kani-kanilang sining. May maiingay na nagpapakontrobersiyal, may nagpapa-esoteric o –intelektwal, may masisispag at tahimik na gumagawa, may napasama lamang sa uso at nadiskubreng kay dali palang magkapangalan at/o pagkakuwartahan ang sining.
Mayroon din naming parang naligaw lamang at hindi talaga alam kung bakit napadpad sa tinatawag na art scene o art world. Madalas ako mapatunganga kung may nagtatanong sa akin, “ Are you also an artist? ” Ang bigat kasi ng implikasyon, di ba?
Anu-ano naman ang mga uri ng trabahong pinaggagagawa ngating mga artist? Marami sa kanila ang nagpipinta sa watercolor, oil o acrylic sa canvas.
May nagmi-mixed media (paggamit ng iba’t ibang uri ng materyales kasama na ang mga found objects- mga bagay-bagay na napupulot sa tabi-tabi, mga bahagi ng luma o bagong diaryo, damit, buto ng aso, patay na pusa, kahit na ano ay puwede na rin.
May nag-i-installation o gumagawa ng sari –saring structures o sabit-sabit sa dingding, sa kisame, sa punung-kahoy o sa lupa, kahit saan.
Mayroon naming nagpe-performance art kundi sa lansangan ay kadalasang sa mga kape-kape(as in Parisian café). Ang mga ito ay mga mumunting drama o vignette ng buhay na mas madalas ay di mo mawari kung ano nga ang ibig ipaabot sa atin ng mga ito.
Sa grupo naman ng mga lumilikha o naglililok mula sa kahoy, marbol, bronse, bakal, alambre, yantok, pinaglumaang trabiyesang riles ng tren, papel, cardboard at itbp.,sila ay yong tinatawag na mga iskultor.
Ang mga obra ng ating mga pintor at iskultor, na madalas ipagkamaling masterpieces lahat, ay idini-display at makikita sa mga prestigious gallery, pambansa o pribadong museo, at mga alternative art venue tulad ng lobby ng mga five-star hotel at shopping center, patyo ng simbahan, mga park, atbp. Madaling makilala ang mga art exhibition hall sa dahilang ang mga ito ay may mapuputing dingding o panelboard, kadalasan ay air-conditioned, at may mga nakasabit na, siyempre, art object. Ang mga lugar na ito ay madalas babaran ng mga art buyer, ng mga dilettante, literati at mga kunoscenti. Sabihin pa, kung nasaan ang mga gallery ay naroroon din ang mga artist na madaling makilala sa kanilang kakaibang pananamit, itsura, sabit-sabit na palamuti sa katawan at kung minsan ay sa mga amoy.
Ang lahat na mga nabanggit mula sa mga tauhan, mga gawi at gawa, mga lugar ng exhibition o pagtatanghal ay umiikot lahat sa tinatawag na exciting world of art.
Sa isang banda, ang lahat naman ng mga likhang-kamay o kathang-isip na hindi nakasali sa itaas ay walang pakundangang binansagang craft o handicraft lamang. Ang mga ito ay makikitang masinop na nakaayos sa mga handicraft store tulad ng Tesoro’s sa Ermita o sa Filipiniana section ng Rustan’s sa Makati. Ang mga pipitsugin at mumurahing klase nito ay busalsal na naka-display sa ilalim ng tulay ng Quiapo o sa mga di-kilalang souvenir shop sa Mabini.
Ilang kilalang studio potters (para sa mga kalaman ng marami, ang kadalasang tawag sa kanila ng mga taga-lalawigan ay magpapalayok) ang madalas kung maringgan ng ganitong pag-uusap: “Ayoko nang gumawa ng mga teapots kasi handicraft lang yan. I’m an artist kaya mas gusto ko yong pormang sculptural. Mas art.”
Ano raw ang ibig sabihin nito? Kung susuriin, ganito ang lalabas na kahulugan nito:
Kapag functional o nagagmit, ang tawag nila rito ay handicraft. Kung non-functional o walang ibang silbi maliban sa ito’y pagmasdan, hangaan at maging dekorasyon lamang sa isang madilim na sulok o bakanteng dingding, ito naman daw ay art. Kapag ginagawa ng maramihan (mass-reproducible), craft; kung one-of-a-kind o kaya’y limited edition, art.
Ano nga ba ang malaking pagkakaiba ng mga ginagawa ng ating mga kababayang manlililok sa Paete at Banawe sa mga nililikhang sining ng ating mga kinikilalang iskultor mula sa kalakhang Maynila at Baguio? Sa madaling sabi, ano ba ang tunay na ipinagkaiba ng craft sa art?
Sagot ng ilan, kapag madali raw maintindihan,ito raw ay craft lamang. At kapag mabuwang-buwang ka na at halos ipukpok mo na ang iyong ulo sa pader pero wala o hindi mo pa rin maintindihan, then it must be art. Mabuti na lamang at hindi lahat ng aking naranasan ay may ganitong pananaw.
Limang taon na ngayon ang nakaraan mula nang minsang magawi ako sa Banawe, Mt.Province. May nakilala akong isang binatilyong manlililok (woodcarver) na ang pangalan ay hindi ko na matandaan ngayon. Iyong maliliit na souvenir shop sa likod ng tanyag na Banawe Youth Hostel ay pag-aari ng kanyang pamilya.
Isang hapon ay nadatnan ko siyang tahimik at masayang nagtatrabaho sa kanilang tindahan. Nakakakatuwa siyang pagmasdan sapagkat para lamang siyang naglalaro at minamani lamang ang kanyang ginagawa. Naalala ko tuloy ang marami sa ating mga taga-Maynilang artist na kung magtrabaho ay para bang kailangan pa ang magpa-mood, magpa-intense, magpa-deep at magpa-angst. Ang mga ito ay para bang wala sa bokabularyo ng binatilyong taga-Banawe.
Nang mapansin niyang may ibang taong nanonood sa kanya ay sumandali siyang tumugil at nahihiyang ngumiti at bumati sa akin. Sa pagitan ng panonood at paputol-putol na kuwentuhan ay nay sinabi siyang hinding-hindi ko maaring malimutan:
“Doon, Manong,” sabay turo sa may kalayuang bundok,” doon ko kinukuha ang mga kahoy. Umaga pa lang ay umaakyat na ako at naghahanap ng mga punong patay at bagsak na. Kapag sinuwerte ay may uwi na akong kahoy pagbaba sa hapon. Pero hindi ako pumapatay ng puno…”
ilang araw din ang nakalipas bago ko ganap na naunawaan ang ibig niyang sabihin. At mula noon ay pilit kong hinahanap sa mga artistang aking nakakasalamuha ang leksyong itinuro sa akin ng isang taga-Banawe.
Noong taong 1988 ay pinalad ako maging isa sa apat na kinatawan sa isang symposium kaugnay ng First ASEAN Travelling Exhibition of Painting, Photograph and Children’s Art na ginanap sa Jakarta, Indonesia. Sabihin pa, sa mga ganitong pagtitipon ay madalas magkapalitan kuru-kuro at karanasan ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansang Asyano.
Bagama’t halos magkapareho lamang ang naging kolonyal na karanasan ng Indonesia at Pilipinas, bakit lumalabas na hindi nila naging suliranin ang isang libo’t isang problemang gumugulo sa ating sining at kultura? Dahil kaya hindi pinanghimasukan ng mga Olandes ang kanilang kultura kung kaya’t hanggang ngayon ito ay nananatiling malakas, malaganap at totoong buhay na buhay?
Nagbalik tuloy sa aking isipan ang dati’y ibig sabihin ng katagang culture noong ako’y bata-bata pa. Ang isang tao raw ay cultured at may pinag-aralan kapag mahilig at marunong makinig ng mga long-haired music nina Bach, Brahms at Beethoven, nanonood ng mga opera nina Verdi at Puccini, at kilala sina Shakespeare, Moliere at Aristophanes. Hindi biro ang malaking sunog na ginagawa ng mga kampon ni Haring Felipe at Uncle Sam sa ating bayan!
Ang sabi ng isang taga-Indonesia: “All paintings using oil, acrylic or watercolor as medium, these are Western art as far as we are concerned. These include the techniques, styles, materials and instruments used to create them. What is not indigenous to us, everything that has no role or relevance to our tradition or existence, those are all foreign to us. We have no confusion as to what Indonesia art is. Everything that you see in my country, outside of the above-mentioned, is Indonesian art and culture.”
Habang papauwi ang eroplanong sinakyan naming pabalik sa Pilipinas ay pilit naglaro ang sinabing ito sa akin ng isang pintor na Indonesian na nakapalagayan ko ng loob.
“Hanggang kailan kaya ninyo hindi maiintindihan ang ganitong kasimpleng katotohanan?”pawakas niyang tanong sa akin.
Pagpasok na pagpasok pa lamang namin sa loob ng magulo at mainit na Ninoy Aquino International Airport ay halos dumugin kami ng laksa-laksang tao na mistulang mga hilong talilong at hinalong kalamay.
Kinalabutan ako nang maisip kong tila may katagalan pa bago ko masasagot ang huling tanong ng aking kaibigang Indonesian.
Text reprinted from Minsan sa Tag-araw: Mga Kwento ng Buhay by Bobi Valenzuela, published by Kalikasan Press, Manila 1991.

Likhang Sining
Kapag tayo ay tumitingin ng mga likhang sining lalo na ng paintings, ang madalas nating naririnig mula sa mga nanonood nito ay ang mga sumusunod:
“Ang ganda-ganda!! Parang buhay na buhay!”
“Wow, ang cute! Parang totoo!”
“Bagay na bagay isabit sa salas ko!”
Kung minsan naman, lalo na’t ang tinitingnan ay ang mga trabahong may pagka-abstract, may halong pagkailang o di kaya’ya pagkatakot ang nadarama ng mga tumitingin nito. Kay’t ang nangyayari tuloy ay iniiwasan na lamang ng iba ang manood nga ng mga tinatawag na abstract paintings sa dahilang baka sila mapagtawanan kung sakaling di nila maintindihan ang mga kanilang tinitingna. May iba naming nagmamarunong at nagpipilit hanapan ng meaning o katuturan ang mga ganitong uri ng trabaho.
Sa mga nangyayaring ito ay di tuloy natin maiwasang magtanong ng:
1) Ano nga baa ng dapat hanapin o Makita sa isang likhang sining?
2) Bakit ang isang artista ay nag-aabalang likhain ang mga ito?
3) Ano ang saysay, katuturan o gamit ng isang likhang sining sa mga nanonood nito? Bakit
mahalaga ang sining sa buhay ng tao?
Nguni’t bago natin sagutin ang gma ito ay hayaan nyo munang linawin ko ang ilang bagay tungkol sa art o sining.
Ang sining ay isang uri ng pamamaraan o isang uri ng ekspresyon na ginagamitan ng isang midyum tulad ng oil sa kanvas, kahoy, kataga, awit, musika, galwa ng katawan, atbp. Upang mailabas ang tunay na damdamin. Mga pangarap at adhikain, mga kaulungkutan at hinaing ng isang malaking bahagi ng mga mamamayan sa isang komunidad.
Hindi kailnman dapat gamitin ang sining upang mailabas lamang ang tintawag nating “self-expression” na wala naming kabuluhan nsa nakararaming makakakita nito. Ang sining ay di sinisilbihan ang mga pansarili o makasariling pangangailangan ng isang tao lamang.
Ang sining ay hindi upang gayahin lamang ng paulit-ulit kung ano ang mga nasa kapaligiran ng gumawa na wala man lamang naipakitang bago sa Pananaw o pamamaraan nang gawin ito.
Higit sa lahat, ang sining ay hindi nagsisilbi para lamang yumaman ang bulsa o matugunan ang sikmura ng gumawa nito. Hindi rin upang palakihin ang ego o vanity ng artista.
Ang sining, higit sa lahat, ay dapat tumugon sa ating pangangailangang isipirtual at di kailanman sa anumang pangangailangang pisikal o materyal na tao.
Batay sa ganitong Pananaw o pang-unawa sa tunay na kahulugan ng sining, balikan natin at sagutin ang nauunang tatlong tanong:

Dahilan sa ang sining na ating tinatalakay ay may uring biswal o ginagamitan ng paningin, una nating tinitingnan ang aspetong teknikal o pamamaraan ng pagkakagwa nito. Mahusay ba at di masakit sa mata ang pagkakagamit ng mga kulay, linya, at debuho? Sa maikling salita, tinitingnan natin kung ang porma ng isang painting ay naaayon sa estetiko ng sining. Mahalagang pagbutihin ito sapagka’t ito ang lenguaheng ginagamit upang ito ay makatawag pansin agad sa manonood, matapos suriin ang teknikal na kabuuan nito, isunod nating hanapin kung ano ang sinasabi ng likhang sining. Ito ba ay nagpapahayag ng kasiyahan tulad ng pagseselebra natin ng mga okasyong tulad ng kapistahan, pestival, o iba pang kasayahan? Ito ba ay nagpapahayag ng kalungkutan na dulot ng kahirapan, pagkawala ng magagandang bagay sa ating kapaligiran? Ang mga likhang sining ay isang pamamaraan ng pakikipag usap ng isang artista sa kanyang mga manonood. Hindi sila ginawa upang maging piping palamuti lamang sa mga dinding ng bahay. Malungkot subalit ito lamang ang tila ba naging silbi ng sining sa ating buhay – pang dekorasyon at wala ng iba.
2) Bakit ang isang artista ay nag aabalang likhain ang mga ito?
Dahilan sa ang mga artista ang itinuturing na salamin, tinig o konsensiya ng isang komunidad, at dahilan din na siya ang may medium upang ihayag ang mga ito

Sining
Sa mahigit na labing walang taong nagtrabaho ako sa isang dati’y tanyag na gallery sa Maynila, ni minsa’y di naalis sa isip ko kung kalian, bakit, at paano nakapasok at yumabong ang sining na galing sa isang kulturang banyaga na wala naming relasyon sa ating sariling kamulatan o kaisipan. Naging palaisipan para sa akin kung paano nasapian ng ganitong impluwensya ang ating kultura. Sabihin pa’y naging problema ko kung paano mailalapit sa ating mga kababayan ang ganitong uri ng sining na aming binebenta sa kanila.
Bihira pa noon at halos iilan lamang ang mga tinatawag na art galleries sa Maynila noong dekada 50’s at 60’s. Si Amorsolo lamang yata ang kilala noon at halos bukang bibig ng lahat ng uri ng tao, mayaman man o mahirap. Siguro’y dahil madalas siyang laman ng mga kalendaryong ipinamudmod ng ilang sikat na kompanya noon. Madalas ring makikita na ang mga kalendaryong ito ay naiiwang palamuti sa maraming kabahayang Pilipino.
Hindi rin uso noon ang lifestyle o art sections ng mga pahayagan at kung mayron man ay paminsan minsan lang ito mababasa. Si Rosalinda Orosa lamang yata noon at ilang manunulat ang nagbabalita tungkol sa mga kaganapan sa sining at kultura. Bihira ka ring makakakita ng mga larawan ng artworks or mga matrona at patronang dumalo sa mga art opening o pagtitipon na hawak ang mga wine glasses habang nakatitig kuno sa mga paintings na nakasabit.
Ang mga likhang sining ng ating mga pintor at iskultor ay sa mga art galleries idinisplay o makikita. Karaniwang kulay puti ang kabuuan nito mula sa mga dingding hanggang sa mga panel boards kung saan isinasabit ang mga artworks. Marami sa kanila ang airconditioned, malinis at maganda ang pagkakadisenyo na tila ba nanggugulat o nananakot magpapasok sa mga gustong manood. Noon pa’y laman na rin ng mga art galleries ang mga tinatawag na art patrons o art collectors, mga dilettante, literati at kung anu-anong klase ng kunosenti. Sabihin pa, kahit noon ay tambayan na rin ito ng mga artist na nagbabakasakali kung may sale ba sila o wala.
Sa isang banda, ang mga likhang kamay na hindi kasali rito ay tinawag namang craft o handicraft. Karamihan sa mga ito ay makikitang nakadisplay sa ilalim ng tulay ng Quiapo na binansagang Ile de Tulle para maging tunong sosyal o class kuno. Ang iba naman ay makikita sa handicraft o Filipiniana sections ng Rustan’s o Tesoro’s. Wala pa noon ang mga parang kabuting nagsulputan ang mga naglalakihang malls ng SM o Robinson.
Sa pagbabantay ko sa gallery, lalong luminaw sa aking pananaw ang mga dapat kong malaman tungkol sa sining.
Sa unang anim na buwan ko pa lamang dito, dama ko na para akong nagtatrabaho sa isang mausoleum na walang nakakaalalang dumalaw. Halos hilahin ko ang mangilanngilan na taong sumisilip sa aming pintuang salamin. Mabibilang mo ang mga taong pumapasok o nagpupunta sa gallery. Marami sa kanila ay para manghingi lamang ng limos at yong iba’y para magtanong lamang ng address ng mga establisementong malapit sa amin. Sa tuwing pinapanood ko ang mga kababayang naglalakad sa harap ng aming gallery nababasa ko na sa kanilang pagmamadali na ni katiting ma’y wala sa hinagip ng kanilang isipan ang art na aming ibinebenta o pinapahalagahan.
Madalas ko ring itanong sa aking sarili, na sa laki ng ating populasyon at sa uri ng ating ekonomiya, ay ilang bahagdan kaya nito ang kayang bumili ng sining o magappreciate man lang nito.
Sa isang banda, ang tradisyon ng sining ay matagal ng nagkaugat sa ating ninuno, bagama’t hindi sining ang tawag nila dito. Wala yata sa lenguahe nila ang ganitong salita. Kahit sa Indonesia, China, o Malaysia ay hindi sining ang tawag nila rito. Pero hindi ibig sabihin nito na wala ngang sining na malaking bahagi ng kanilang buhay. Ang sining na ito, ayon sa aking mga nabasa, ay bahagi ng kanilang pagaraw-araw na ginagawa – sa relihiyon, mga rituals, mga sosyalan. Angbulol halimbawa ay isang bagay na kanilang nililok di bilang isang iskultura na pandekorasyon lang ng bahay. Ito ya simbolo rin ng kanilang diyos upang bigyan sila ng magandang ani o ipag-adya sa mga peste ng kanilang pananim. Ang mga hinabi natin ay di upang gawing palamuti lang sa dingding ng ating mga ninuno kundi talagang gamit na isinusuot. Sa madaling sabi, ang lahat ng ating nililikha noon ay may gamit na functional kundi man palamuti o adornment ng katawan.
Matagal na panahon na ang nakaraan mula nang magawi ako sa Banawe, Mt. Province. May nakilala akong isang binatilyong wood carver ng Banawe Youth Hostel. Isang hapon ay nadatnan ko siyang tahimik at masayang nagtatrabaho sa kanilang tindahan. Natuwa ako sa aking panonood sa kanya sapagka’t para lamang siyang naglalaro at tila minamini lamang ang kanyang ginagawa. Agad ko naalala ang mga visual artists ng mga taga Maynila na kung magtrabaho ay parang kailangan pa ang magpamood, magpaintense, magpadeep at magpaangst. Para bang ang mga ito ay wala sa bokabolaryo ng binatang manlililok. Nang mapansin nyang siya’y aking pinanonood, pansamantala syang tumigil upang bumati sa akin. Sa pagitan ng aking panonood at paputol putol na kwentuhan, ay may sinabi syang hinding hindi ko malilimutan.
“Doon manong,” sabay turo sa dikalayuang bundok, “doon ko kinukuha ang mga kahoy na ginagamit ko. Umaga pa lamang ay umaakyat na ako upang humanap ng mga bukasak at patay na punong kahoy. Kapag sinwerte ay may wui na akong kahoy pagbaba sa hapon. Hindi ako pumapatay ng puno.”
Ilang araw rin ang nakalipas bago ko ganap na naintindihan ang ibig niyang sabihin. At mula noon, ay pilit kong hinanap sa mga artistang aking nakatrabaho ang leksyong itinuro sa akin ang isang taga Banawe.

CCP 13 Artists Awards 1994
June 24, 1994
Ang pagtatanghal na inyong masasaksihan sa Bulwagang Juan Luna para sa 13 Artists Awards ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ilang dandali na lamang, ay kakikitaan di lamang ng angking galing at talino sa paglikha ng sampung nagwagi para sa taong ito.
Sa likod ng mahigit na limang buwang paghahanda, pagsasagawa at pagbuo ng pagtatanghal na ito, sana’y Makita ninyo ang pagsisikap mapunan ang kakulangan ng maraming bagay at ang pagpupunyaging itulak ang kanilang mga sarili upang tugunan ang kanilang kaalamang lumikha.
Sa simula pa lamang ng aming pagpaplano, isang bagay ang masusing pinagtuunan ko ng pansin: kung paano bibigyan ng nararapat na direksyon ang pagtatanghal na aming isasagawa. Ito ay base sa isang kritikong panulat ng isang kaibigan tungkol sa isa ring pagtatanghal na tulad nito na isinagawa ilang taon na ngayon ang nakakaraan. Iniayon ko ang pagtatanghal na ito ayon sa kanyang mga puna at obserbasyon na masasabi kong lubusan kong sinang-ayunan.
Isa lamang ang hiniling ko sa mga artistang kasali rito: na ang kanilang mga likhang sining ay gawin nilang matayog at makapag dulot sa mga manonood ng bagabag at anyayang magtanong (ambitious and disturbing).
Dahil dito, wala akong ibinigay na isang temang susundin tulad ng kuna anong materyales ang gagamitin o kung ano ang gusto nilang ilabas sa kanilang mga trabaho.
Hiningan ko sila ng tinatawag na concept paper upang sa simula hanggang matapos ay masubaybayan ko bilang curator ang kanilang nais isakatuparan sa kanilang mga lihang sining. Higit sa lahat ibig kong bawasan at kung maaari’y iwasan ang pagkakamali ng di-pinaghandaan o di-pinagisipang curatorship. Di ito isang kapritso lamang na nais tawaran ang kakayanan ng mga artistang nagwagi o dumagdag pa sa kanilang marami nang alalahanin.
Kahanga-hanga at nakakapagpasigla kung paano tinugon ng mga artista ang ganiotng panwagan. Sa kabila ng di biru-birong kahirapang magbuo ng ganitong uri ng pagtatanghal lalo na sa panahong tulad nito, sa kabila ng di sapat na cash grant na gagamitin, pinili nila ang magsagawa ng mga gawang instalasyon at malalaking trabaho sa halip na pag-ubrahin kung anon a lamanag ang maaaring pagkasyahin. May ibang gumamit ng bagong materyales sa kanilang mga trabaho, bagay na hindi pa nila ginawa sa iba nilang eksibisyon. Sa kanilang palagay, ang mga pagtatangkang ito ay dapat bigyang pansin at halaga at di dapat tawaran.
Hayaan ninyong samantalahin ko ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang mga taong may kinalaman at nagtulung-tulong upang mabuo ang pagtatanghal na ito: Tony, Ferdie, Mark, Noel, Keka, Emong, Arlene, Edwin, Jonathan, at Alwin – maraming Salamat sa inyong di-makasarili, mainit at walang sawang pakiki-pagtulungan; Ditas, Onet, Karen, Mike, Jun at Gina – sa walang karekal-reklamong pag-asiste sa aming mga pangangailangan; sa mga kaibigan at kasamahang walang sawang tumulong at nagbigay sigla at lakas sa amin – maraming salamat sa inyong lahat.
Biglang pangwakas, para sa ating mga panauhin at manonood ngayong gabi, sana po’y maibigan ninyo an gaming inihandang pagtatanghal. Sana po’y suriin at bigyang-pansin isa-isa ang pinagsumikapan ng ating sampung artistang nagwagi ng karangalang 13 Artist. Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!!